HIGH_POS HELP CENTER

Paano gamitin ang High_POS

1. Benta

Piliin ang produkto o gamitin ang Scan Barcode button gamit ang phone camera. I-adjust ang quantity, piliin ang Cash/GCash/Maya/Utang, tapos Checkout.

2. Inventory

Owner account lang ang puwedeng mag-add at mag-edit ng products, barcode, price, cost, stock, at low-stock level. Puwede ring i-scan ang barcode habang nag-a-add ng product.

3. Utang

Mag-add muna ng customer. Sa checkout, piliin ang Utang at customer. Ang bayad sa utang ay nire-record sa Utang tab.

4. Expenses

I-record ang delivery, supplies, kuryente, at ibang business expenses para kasama sa report.

5. Reports

Makikita ang sales, transaction count, expenses, payment breakdown, at top products.

6. Offline

Kapag nawalan ng internet sa checkout, ise-save muna ang sale sa phone at isi-sync kapag online ulit.

7. Admin

Super Admin lang ang nakakakita ng lahat ng stores at may Add, Edit, Renew, Enable/Disable, at Delete controls.

8. Subscription

Kapag expired na ang subscription, hindi na makakagamit ng POS ang store. May 7-day grace notice para sa renewal bago ma-auto disable ang account.